Need a Fresh Start? Your New Life Is Waiting.🤗
How often have you tried to make New Year’s resolutions? Hindi ba tuwing dumarating ito, naiisip natin ang magbagong-buhay? Pero alam mo ba na ang totoong pagbabagong-buhay is more connected to Holy Week kaysa sa New Year’s? Nakapagtataka siguro ang ideyang ito. Pero totoo ito, dahil sa mga nangyari noong namatay si Jesus sa cross.
As part of our series, “Arms Wide Open: Looking at the Cross,” napag-usapan natin kahapon na dati ay patay tayo, ngunit binuhay tayo ni Jesus nang mamatay Siya sa cross. The passage we’ll be reading today reminds us of this truth and explains it a bit more.
Kung paanong binuhay muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkakaroon ng panibagong buhay.
At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan. Sapagkat ang taong patay na ay malaya na sa kasalanan. (Mga Taga-Roma 4-7 ASD)
Let’s continue building on that Before-After comparison yesterday:
Before the cross —> After the cross
Dating pagkatao —> bagong buhay
Makasalanan —> hindi na alipin ng kasalanan
Ano sa tingin mo? Hindi ba't nakakamanghang isipin ang mga biyayang naibigay ng Panginoon dahil sa Kanyang ginawa sa cross? Kung hindi mo pa natanggap ang regalo ni Jesus sa iyo dahil sa Kanyang kamatayan sa cross, you can surrender your life to Him now. Pagkatapos, pwede kang kumuha ng papel o notebook, at isulat ang mga halimbawa ng dating pagkatao mo, at kung paano ito binago ni Jesus. You can then pray this to Him, isang pasasalamat sa bagong buhay na ibinigay Niya sa iyo.
Tandaan mo, isa kang miracle!