• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish

Natatakot ka bang mapalayo kay Lord? 🥺

Noong bata ako, lagi akong natatakot na mapalayo kay Lord. Kaya every night, I would make sure to say my prayers, using a prayer book that I would read over and over just to make sure I didn’t forget anything. Lalo itong naging importante sa akin dahil tinuruan ako ng aking kapatid na bawat kasalanan ay parang isang itim na tuldok sa puso natin, na nawawala lang kapag tumanggap tayo ng komunyon.

Nang lumaki na ako at mas nakilala si Jesus, nabigyan ako ng lakas na malaman na hindi pala ganoon kadali ang mapalayo kay Lord dahil lang sa mga kasalanan ko. Basahin natin itong nakasulat sa Bible: 

Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios. (Roma 8:38-39 ASND

And how can we be confident of this? Because we know that on the cross, Jesus finished the work. Isa ito sa 7 last words ni Jesus sa cross: "It is finished." (John 19:30)

At totoong tinapos na Niya ang pagbabayad sa lahat ng ating kasalanan, kaya ngayon we can confidently say that nothing can separate us from His love. 

Ngayon, Friend, kumuha ka ng papel at isulat ang lahat ng bagay that’s causing you fear of being separated from the Lord. Tapos, guhitan ng linya ang mga ito at sulatan ng “It is finished.” We pray that this can help you gain confidence in the finished work of Jesus on the cross. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.