• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
Publication date May 2, 2025

Naranasan mo bang maligaw?😩

Publication date May 2, 2025

Friend, hindi sa pagmamalaki, pero alam kong magaling ako sa ilang mga bagay. Pero may isang bagay na talagang mahirap para sa akin: ang sense of direction. Pinagtatawanan nga ako ng aking pamilya na kahit pumunta lang sa CR ng isang mall, pag lumabas ako, kailangan ko pang tingnan nang mabuti kung liliko ako sa kanan o sa kaliwa! 

Noong Grade 4 ako, nakaranas akong maligaw. Taga-probinsya kami, at noong panahong iyon, nagbabakasyon kami sa mga pinsan ko sa Maynila. That time, wala pang mall sa lugar namin kaya dinala nila kami sa isang malaking mall sa Makati. Gusto akong turuang maging independent ng auntie ko, kaya noong pumunta ako ng CR, sabi niya, ako na daw bahala at maghihintay lang sya sa labas. Yun pala, ang CR na yun ay may tatlong exit. Ang nangyari, lumabas ako sa maling exit! 

Hindi ko alam gaano katagal akong nawala. Hindi talaga pumasok sa isip ko na maling exit ang nilabasan ko. Lakad ako ng lakad, hinahanap ang pamilya ko. Sa wakas, nakasalubong ko ang kuya kong paikot-ikot na din sa mall sa paghahanap sa akin. Laking galit ng Papa ko sa auntie ko dahil pinabayaan daw akong mag-isa. 

Friend, mahirap ang maligaw ng daan. The good news is, binigyan tayo ng Panginoon ng Bibliya na makakatulong sa ating manatili sa Kanyang matuwid na daan. Let’s read this aloud: 

Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios. (2 Timoteo 3:16-17 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Mahal na mahal tayo ng Panginoon at hindi pinapabayaang maligaw ng landas. Tanggapin natin ang love letter Niya sa Bible. 

Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.