Napapansin Ka Niya
Ang sarap sa pakiramdam kapag may taong gumawa ng isang bagay para sa’yo na nagpapakita na talagang kilala ka niya? Hindi naman kailangang malaking bagay. Minsan, simpleng pagdala ng favorite snack mo, or finding an item that you like and buying it for you. Iba talaga ang feeling, ang saya!
Sabi ni Gary Chapman na author ng “The 7 Love Languages,” ang mga taong may love language na gifts ay hindi naman naghahanap lang ng materyal na bagay. Ang mas mahalaga sa kanila ay yung mensaheng dala ng regalo—na may nakinig, may nakaalala, at may nagbigay-pansin sa kung ano ang mahalaga sa kanila.
Naranasan mo na rin ba ito? Sa tingin ko, ito siguro ang dahilan kung bakit kahit matagal na kaming hindi nag-uusap ng kuya ko, noong binigyan niya ng Origami (paper-folding) book ang mga anak ko isang Pasko—isang bagay na ginagawa rin namin noong bata pa kami—parang naramdaman ko na kilala pa rin niya ako. Naaalala pa rin niya ako.
That moment, when someone notices something about you and acts on it—is a beautiful picture of how the Lord pays attention to us.
Hindi lang Siya nakatingin “from a distance, nakikita Niya ang maliliit at malalaking detalye ng buhay natin—mga bagay na minsan ay hindi napapansin ng iba. That’s how involved He is in your life.
Basahin natin ito mula sa Salmo 139:1-3 ASD:
Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. (Salmo 139:1-3 ASD)
Nakikita mo ba? Hindi lang Siya nakatingin sa’yo. Pinapansin ka Niya. Kilala ka Niya.
Tandaan mo, isa kang miracle!