Nanghihina Ka Ba Ngayon? This Will Lift You Up.🫣
Kumusta ka ngayon? Sa mga nangyayari sa mundo ngayon, paano mo hinaharap ang bigat ng buhay? Maaaring isa ka rin sa mga nahihirapan. Sa ganitong sitwasyon, ano ang ginagawa mo?
This week, we are starting a new series called, “Hope for Every Season: Your Anchor When Life Feels Heavy.” Alam naming hindi tayo ligtas sa mga mabibigat na panahon sa buhay, kaya gusto naming matulungan kayong magkaroon ng pag-asa—kahit sa mga napakahirap na maaaring pagdaanan.
Napansin mo bang kapag may pinagdadaanan tayo, parang nawawalan tayo ng lakas o sigla sa buhay? At mas lalong bumibigat ang pakiramdam, because it’s hard to pretend that everything is okay in front of other people when our hearts are breaking. That’s why we want to start by acknowledging that when life feels heavy, it’s perfectly understandable to feel sad and hopeless.
But after we acknowledge our feelings, we also want to stand by the truth: there is hope for every season. Basahin natin itong pangako ng Panginoon sa Bible:
…ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoonay muling magkakaroon ng lakas.Lilipad silang gaya ng isang agila.Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.Lumakad man sila ay hindi manghihina.(Isaias 40:31 ASD)
Nakikita mo ba? Kahit na nawawalan tayo ng lakas ngayon, pangako Niyang ang lahat ng nagtitiwala sa Kanya ay muling magkakaroon nito—tulad ng isang agila na hindi napapagod o nanghihina. Kahit na palagi tayong pagod at nanghihina ngayon, manalig tayo sa Panginoon, na Siya ang magbibigay-lakas sa atin upang malampasan ang mahihirap na panahon sa buhay.
We can pray this, “Lord, kailangan ko ng tulong Mo sa pinagdadaanan ko ngayon. Bigyan Mo nawa ako ng lakas. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!