• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish

Friend, may mga times bang pakiramdam mo, nanghihina ang pananampalataya mo? Sa karamihan sa atin, maaaring mangyari ito lalo na sa mga panahong hindi natin nararamdamang gumagalaw si Lord. Halimbawa, kapag may mga masasamang nangyayari sa buhay natin, o di kaya kapag hindi natin nakukuha ang mga solusyon o sagot na hinahanap natin. 

It’s understandable when our faith feels weak; even Jesus’ disciples struggled with their faith. Si Peter, noong tinanong kung kilala niya si Jesus, mabilis at matinding nagsabing hindi talaga niya ito kilala. Pagkatapos mamatay ni Jesus, lahat ng mga tagasunod Niya ay nagtago sa iisang bahay, takot na takot na mahanap ng mga kaaway ni Jesus. 

Pero, nang malaman nilang nabuhay muli si Jesus, and when the Holy Spirit came upon them, bigla silang nagkaroon ng lakas ng loob na hindi maibibigay ng tao. Ganito rin ang pwedeng mangyari sa pananampalataya mo dahil sa katotohanang nabuhay muli si Jesus.

Friend, let’s read this aloud: 

Ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Jesus na muling binuhay ng Dios, at kaming lahat ay saksi na muli siyang nabuhay. (Gawa 2:32 ASND

Ito ang isa sa mga salitang sinabi nina Peter sa mga taong nagtanong kung ano ang ginagawa nila. This shows their confidence in the God who raised Jesus from the dead, who also strengthens our faith in Him. 

Friend, if your faith feels weak right now, we invite you to think about the truth that Jesus is alive. Pwede mo ring dasalin ito: “Jesus, my faith feels weak. Bigyan mo ako ng katiyakan na buhay Ka at ginagawa mo ang lahat para sa kabutihan ko. Palakasin mo ang aking pananampalataya. In Jesus’ name, amen.” 

Friend, tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.