• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Minsan ba, Friend, may pakiramdam kang walang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan mo? Na parang kahit si Lord ay hindi alam kung paano ka tutulungang makaahon dito? 

Sa Bible, may kuwento tungkol sa kambal na si Jacob at Esau. Si Esau na syang matanda sa kambal ang mas gusto ng kanilang ama, samantalang si Jacob naman ang gusto ng kanilang ina. Noong nais ng amang ibigay kay Esau ang kanyang “blessing” bilang panganay na anak, ninakaw ito ni Jacob sa pamamagitan ng pagkukunwaring siya si Esau. Kaya ang laki ng galit ni Esau sa kapatid, at sumumpa siyang papatayin ito sa oras na wala na ang kanilang ama.

Nang marinig ito ng ina, kaagad nyang pinaalis si Jacob.  Nanirahan ito sa malayong lugar kung saan nagkaroon na sya ng sariling pamilya. Matapos ang napakaraming taon, naisip niyang umuwi sa kanila, ngunit nabalitaan niyang hindi pa rin nawawala ang poot ni Esau sa kanya. At ito ang sumunod na nangyari: 

Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga. Nang mapansin niya na hindi niya matatalo si Jacob, pinisil niya ang balakang ni Jacob at nalinsad ang magkatapat na buto nito. At sinabi ng tao, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.”

Pero sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”

Nagtanong ang tao sa kanya, “Anong pangalan mo?”

Sumagot siya, “Jacob.”

Sinabi ng tao, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel na dahil nakipagbuno ka sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”

(Genesis 32:24-29 ASND) 

Friend, kahit na mahirap, when we wrestle with God through our struggles, He meets us. Let’s thank God na tulad ng kung paano nya nakita ang pinagdaanan ni Jacob, nakikita Niya rin ang lahat ng paghihirap mo. Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.