Nakatanggap ka ba ng love letter?💌
Friend, sa panahon ngayon, mukhang hindi na pangkaraniwan ang magsulat ng love letters. Ang pinakamalapit siguro ngayon ay text message o email. Nakatanggap ka ba ng love letter o love note, whether handwritten, e-mail, o text? Ngayong linggo, pag-usapan natin ang isang mahalagang katotohanan: na meron palang love letter si Lord para sa iyo.
Alam mo ba kung ano ito? Malamang, may times na may nakikita kang sentence or Bible verse on Facebook or Instagram that speaks to your heart; nararamdaman mong parang isa itong maliit na message galing kay God. Pero ang mas higit pa dyan ay, ang buong Bible pala ay parang isang love letter from God for us.
Bakit namin nasasabi ito? Una, ang Bibliya ay puno ng kuwento ng mga ginagawa ng Panginoon sa simula ng panahon hanggang sa pagbabalik ni Jesus at pag-aayos ng mundo nang buong-buo. At ito ay hindi lamang basta-basta kuwento: they show us how deep the Father’s love is for us, na ipinadala Niya ang Anak Niyang si Jesus upang muli tayong mapalapit sa Kanya.
Let’s read this verse aloud, Friend:
For God so loved the world, that he gave his only begotten son, that whoever believes in him shall not perish but have everlasting life. (John 3:16)
Nakikita mo ba, Friend? This is a great summary of one of the main messages of the Bible: na mahal na mahal ka ng Panginoon.
Kung nagdadalawang-isip ka pa ngayon sa pagmamahal ni Lord sa iyo, maaari mong dasalin ito: “Jesus, gusto kong malaman kung gaano mo ako kamahal. I ask that You would speak to me through the Bible. Open the eyes of my heart na marinig ko ang iyong sinasabi sa akin. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!