Nakakita ka na ba ng himala? 😲

Friend, naniniwala ka ba sa himala, nakakita ka na ba nito? May kakilala ka bang nakapagkuwento sa iyo ng himalang nangyari sa buhay nila? Halimbawa, isang maysakit na biglang gumaling nang may nanalangin para sa kanila, o may dumating na unexpected financial provision?
The Bible records plenty of miracles, simula sa paglikha ng Panginoon ng mundo, in miracles that God did through Moses in bringing His people out of Egypt, kung saan ang pinakakilalang himala ay ang pagbubukas Niya ng Red Sea para makakadaan ang mga Israelites habang ang mga Egyptians ay nalunod nang muli itong magsara. When Jesus came into the world, He was also known as a miracle-worker —-healing the sick, casting out demons, even raising the dead!
Alam mo bang nakakapagsalita din si Lord sa atin through miracles? Let’s read this verse:
Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea ay ang unang himala na ginawa ni Jesus. Sa ginawa niyang ito, ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan, at sumampalataya sa kanya ang mga tagasunod niya. (Juan 2:11 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? The miracles that God performs are meant to be ways in which He can speak to us —- showing us His power and increasing our faith in Him!
Basahin pa natin ito:
Maraming himala at kamangha-manghang ginawa ang Dios sa pamamagitan ng mga apostol. Kaya namuhay ang mga tao nang may paggalang at takot sa Dios. (Gawa 2:43 ASND)
Ito pala ang resulta ng mga kamangha-manghang gawa ng Diyos: na mamuhay tayo nang may paggalang at takot sa Diyos.
Friend, dasalin mo ito, “Lord, gusto kong makita ang iyong mga kamangha-manghang gawa. Turuan mo akong marinig ka sa mga ito.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

