• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Nakaka-drain ba ang ugliness around you? 😖

Nafi-feel mo bang minsan nade-drain ka na sa bigat ng ugliness around you? Maaari itong mangyari dahil sa dami-daming brokenness na nababasa sa news or sa social media. Laging may mga trahedya, giyera, bagyo, baha na nababalita, hindi ba? 

Dagdagan pa ito ng mga conflict na nangyayari na mas malapit sa atin. For example, mga misunderstanding sa school, sa family, o sa work. Baka may kakilala pa kayong mag-asawang nagkaka-problema, o conflict sa parents and mga anak. Di ba, nakaka-drain pag laging ganito ang nasa isip natin? 

Buti na lang, may antidote pala sa mga emotional stress na ganito. Sabi sa Bible: 

Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais. (Filipos 4:8 ASND

Ano’ng mga bagay na mabuti at kapuri-puri ang pwede nating isaisip? Posible kayang mag-focus tayo sa mga magagandang bagay? Sa mga relationships natin, malamang mas madaling magreklamo about sa mga pangit na nakikita natin. Sa school o work, mas madali ring makakita ng pagkakamali. Pero kapag intentional ang paghahanap natin ng pwedeng ma-appreciate, possible pala! 

Sa experience namin, hindi madaling gawin ang maghanap ng bagay na maa-appreciate sa paligid. Pero kapag nagawa ito, may direct effect pala siya sa feelings natin: nagpapagaan!  

How about this, Friend, challenge natin this week? Ano kaya’ng maganda ang mahahanap natin sa mga tao sa paligid natin? Pwede bang this morning, isulat natin ang 1-3 bagay na na-appreciate natin sa mga taong closest sa atin? If gusto mo, pwede mo rin itong subukang i-express sa kanila, whether through text or sa isang maliit na note. Hindi ito madaling maging habit, pero magandang start na ito. 

Kaya mo yan, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.