• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
Publication date May 23, 2025

Na-homesick ka na ba? 😭

Publication date May 23, 2025

 Friend, nakaranas ka na bang maging homesick? 

Sa unang araw ng pagdating ko sa Singapore as a student, nalaman kong hindi pwedeng gamitin ang cellphone charger na dala ko, at hindi rin gumagana ang roaming ng cellphone ko. Hindi pa uso noon ang wifi at wala pang Facebook messenger, kaya ang paraan lang upang makontak ang pamilya ay through text at call. Nalaman ko from our hosts na sa susunod na araw pa kami pwedeng lumabas at maghanap ng charger at sim card; bigla akong nakaramdam ng napakatinding lungkot. 

Kinabukasan, bumili na nga kami ng sim card at charger, at dahil makakatext at call na ako sa Pilipinas, hindi na ganoon katindi ang pagka-homesick. Nakatulong din ang pagkakaroon ko ng mga bagong kaibigan doon. 

Ang ating series ngayong linggo ay tungkol sa ating pagiging dayuhan sa mundong ito. Syempre, hindi tayo maaaring maging homesick sa isang lugar na hindi pa natin nakikita, kahit na sabihin nating ito ang totoong tahanan natin. Pero, the more we get to know Jesus, the more we also get to know what it’s like to be with Him in that future home. 

Kaya siguro ito ang pakiramdam ni Abraham sa Bible. Makikita natin ang kuwento ni Abraham sa Book of Genesis in the Bible, na tinawag ni Lord na umalis sa kanyang bayan upang pumunta sa Promised Land that the Lord said He would give him. But take a look at how the New Testament describes Abraham (and others like him): 

Ngunit hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Dios na siyaʼy tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod. (Hebreo 11:16 ASND

Ang galing ano? Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.