• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • NL Dutch
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
Publication date Peb 2, 2025

Nahihiya ka ba sa iyong mga nagawa?😖

Publication date Peb 2, 2025

Pakiramdam mo ba na parang binitawan ka na ng Diyos? Feeling mo ba nahihiya ka, napaparusahan, o walang halaga dahil sa malaki mong pagkakamali? 

Friend, today, this is the truth that we would like to share with you: ginawa Niya ang lahat para mapasakanya ka, at hindi ka Niya bibitawan.

May possibility bang lumayo ka sa Kanya at mawalan ng pag-asa sa Kanya? Paano kung tumakbo ka palayo?

Sabi sa Psalm 23:6, “Siyempre, ang kabutihan at awa ay susunod sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay.” Sa Hebreong teksto, ang ibig sabihin ng “susunod” ay nagpapakita ng parang “nagha-hunting." Kung kaya mong takasan ang Diyos, hindi na Siya Diyos!

Paano natin nasasabing hindi Niya tayo iiwan? Tingnan natin kung ano ang pinagdaanan ni Jesus noong nagdasal Siya sa Hardin ng Getsemani. Noong nandun Siya, nakikita ka Niya: ang perlas ng mataas na halaga, ang nakatagong yaman (Matthew 13:44-46). 

Ang salitang Aramaic na "Getsemani" ay literal na nangangahulugang “oil press,” na isang larawan ng pagkabasag ni Jesus para sa iyong kapayapaan. Friend, try to Google a picture of an oil press, at makikita mong it’s used to extract oil by squeezing olives. 

Si Jesus ay parang napiga din, para ang sariwang langis ng Kanyang pag-ibig ay dumaloy sa bawat mananampalataya mula sa Kanya!

Naramdaman Niya ang matinding awa, determinado Siyang hindi Ka bibitawan!

Imposible para sa Kanya na bitawan ka, dahil Siya ay Diyos, hindi tao, at ang Kanyang pagmamahal para sa'yo ay lampas pa sa kaya mong maintindihan. In fact, because of HIs love for you, tinapos ni Jesus ang gawain ng krus, para hindi na Niya kailangang bitawan ka! 

Mag-relax ka, mahal na mahal ka Niya, hindi ka Niya bibitawan. Friend, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.