Hirap Ka Ba Ngayon?
Ang sarap makinig ng mga kwento ng answered prayers mula kay Lord. Pero hindi lahat agad nasasagot, at may iba na matagal pa bago dumating ang sagot. Still, it’s encouraging when we hear how God responds to prayers in His perfect timing.
May isa akong paboritong kwento. Mga 5 years old pa lang kami ng best friend ko noon nang magkaroon siya ng nakababatang kapatid. Gusto ko rin talaga ng bagong kapatid, kaya simula noon, gabi-gabi akong nagdarasal kay Lord na bigyan kami ng bagong baby. After four years, dumating din sa wakas ang kapatid ko. Para sa akin, sagot siya sa matagal kong dasal. Lagi kong sinasabi sa kanya na ang private nickname ko sa kanya ay Samuel, na ang ibig sabihin ay, “I asked the Lord for him.”
Siguro simple lang ang hiling na ito kumpara sa mga hinihiling ng mas matatandang tao, tulad ng breakthrough sa isang seryosong health condition. Mas mabigat iyon, hindi ba? How do you go through week after week of struggling with a health issue and not see God move?
Pero alam mo ba na kahit hindi natin nakikita ang Kanyang kamay na kumikilos, nandiyan pa rin Siya at hindi Niya tayo nakakalimutan?
I have this line that someone shared with me many years ago that I still hold dearly: “When you can’t see God’s hand, you can trust His heart.” Lagi ko itong iniisip sa mga panahong napakahirap ng aking pinagdadaanan at parang walang nangyayari.
May pinagdadaanan ka ba ngayon na hindi mo nakikita ang galaw ni Lord? Pwede mong dasalin ito: “Lord, kailangan kita ngayon. Tulungan mo akong magtiwala na kahit wala akong nakikita, hindi Mo ako nalilimutan (Isaiah 49:15–16).”
Tandaan mo, isa kang miracle!