Nagwo-worry😩ka ba sa needs mo today?

May mga times sa buhay natin na parang may kulang na hindi natin alam ang gagawin. Pwedeng kinukulang ang finances natin, o di kaya’y may problema sa ating relationships, career, pag-aaral, o business. Sa mga times na ito, madaling magpatalo sa worry.
Sa aming mag-asawa, naranasan naming mag-struggle kapag mahirap pagkasyahin ang budget. First line of action ko is maghanap ng extra source of income, like magbenta ng kung anu-ano. Pero usually, hindi rin ito ang sagot sa worry sa mind ko.
What could possibly help with worrying? Sa Bible, may sinabi si Jesus sa mga taong nagsa-struggle sa worry:
“Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot. Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon?…alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. (Mateo 6:25-27, 32 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Hindi pala natin kailangang mag-alala ng todo, dahil alam ng Ama nating nasa langit everything that we need.
Sa araw na ito, ipractice nating kausapin si God about sa mga kailangan natin. I-pray natin ito, “Lord, may need akong ________. Ayokong mag-alala sa mga ganito. Pwede bang tulungan Nyo po ako? Amen.”
Kung nadasal mo yan, Friend, naipractice mo nang ibigay kay Lord ang iyong worries.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

