• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

May mga dinadala ka ba sa buhay ngayon na feeling mo napakabigat? Baka may misunderstanding sa isang importanteng relationship, or may mga problema sa school o work. 

Noong college ako, nagkaroon ako ng emotionally-heavy time dahil sa conflict sa friendships. Naalala ko sa panahong iyon, nahirapan akong maghanap ng bagong group of friends. Pero may ilang classmates ako na, while nagpa-practice kami ng cheering sa school, naging katuwaan nilang kumanta ng kahit anu-ano na lang. I remember, it helped me upang gumaan ang feeling ko, lalo na’t isa sa mga songs na kinanta nila ay ang “Cast Your Burdens Upon Me.” 

Nagulat ako sa lyrics at parang naramdaman kong kinakausap ako mismo ni Jesus. Narinig kong tinatawag Nya akong lumapit sa kanya at i-share sa kanya ang lahat ng nasa puso ko. 

Friend, may pinagdadaanan ka bang mabigat sa puso ngayon? Sa Bible, ito ang sinabi ni Jesus: 

Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.” (Mateo 11:28-30 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Gusto Nyang lumapit tayo sa Kanya, at bibigyan Nya tayo ng rest. Hindi ba nakaka-refresh sa mga oras na ang bigat ng pinapasan natin? 

Sa panahong ito, ito ang challenge ko sa iyo. Ipag-pray kaya natin na ibigay sa Kanya ang lahat ng problema natin sa buhay. Pwede natin itong i-pray, “Lord, nabibigatan ako sa problemang ito: (insert details here) _________________. Kailangan ko ang tulong mo at ang rest na promise mong ibigay. Thank You, Lord. In Jesus’ name, amen.” 

Hopeful akong nakatulong ito sa iyo, Friend. Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.