Friend, meet you defender.🥷
Di ba ang saya kapag alam mong may kakampi ka? But ever experienced in your life na wala ni isa? Parang lahat ng nangyayari, laban mo lang. Ang masakit pa, parang lahat sila kalaban mo. Maybe may misunderstanding kayo sa isang relationship — sa coworker, classmate, o kahit sa pamilya mo. Ang lungkot!
I remember may isang time na may pinagdadaanan kami sa family. May struggles kaming mag-asawa, not in our marriage but individually. During that period, dahil sa emotional turmoil namin, naging medyo short-tempered kami sa isa’t isa. May isang moment na pakiramdam ko, hindi ako naintindihan ni Mark, and honestly, I found it hard not to defend myself. Still, I chose not to do it para hindi na lumala ang emotions namin pareho.
Naalala ko na nakatulong sa akin noon ang story ni David.
Sa Bible, si David ay isang batang shepherd na pinili ni Lord para maging susunod na hari, kapalit ni King Saul. Kahit wala naman siyang plano na agawan ng trono si Saul, naging paranoid si Saul at gusto siyang ipapatay. Dahil doon, kinailangang tumakas ni David at naging “on the run” siya for years. Pero kahit ilang beses siyang nagkaroon ng chance para gumanti at patayin si King Saul, pinili ni David na huwag. Alam niya sa puso niya: Si Lord ang kanyang Defender. (1 Samuel 16 ASND)
Relate? Pakiramdam mo ba na parang ang daming against sa’yo ngayon, at kailangan mong i-defend ang sarili mo? Here’s some good news: si Lord mismo ang gustong maging Defender mo. Siya ang nakakakita sa lahat ng nangyayari, at alam din Niya kung ano ang tama.
We can offer everything that’s bothering us to Him. Simple prayer lang: “Lord, need ko ang help mo sa ________. Ikaw ang aking Defender, kaya hindi ko kailangang ipaglaban ang rights ko.”
Hoping this encouraged you today. Don’t forget, isa kang miracle!