• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

May times din bang kinu-question ka kung may value ang buhay mo? Madami sa atin ngayon ang nag-i-struggle sa ganito, especially kung may mga nangyayaring hindi maganda. 

For me (Yen), lumaki akong nararamdaman kong hindi ako naiintindihan ng mga tao. Until now, sa mga times na lumalabas ang weaknesses ko at nafi-feel kong hindi ako naiintindihan, napapa-question ako sa worth ko. Baka ganyan din ang experience mo, Friend? May mga pagkakataon din bang hindi mo alam kung ano ang value mo as a person? 

Sa mga instances na ganito, nakakatulong sa aking isipin na may isang nakakakilala ng every part of me, at ito si God, na Syang lumikha sa akin:

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin.    Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin.    Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. (Salmo 139:13-14 Ang Salita ng Dios)

Mag-slow down kaya tayo, Friend, at i-feel yung nakasulat sa Bible. Si Lord daw ang humugis sa iyo, at kahanga-hanga ang pag-create Nya sa buhay mo. Hindi ba nakakatuwang isipin na wala Siyang nagagawang mali? That means hindi rin Sya nagkamali sa pag-create sa iyo! 

Sa sandaling ito, Friend, ito ang challenge ko sa iyo: kahit once a day lang, maaari bang tingnan mo ang sarili sa salamin at sabihing, “Si God ang nag-create sa akin, at alam Nya ang Kanyang ginagawa.” Pwede mo itong gawin first thing in the morning or last thing at night. Try mo! 

Sige, yan lang muna for now. Remember this, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.