• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • EN English
    • ES Spanish
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish

Friend, may struggle ka ba sa pagiging madamot? OK lang kung hindi mo ito agad masagot. Alam mo bang sa dinami-daming mga kasalanang inaamin ng mga tao, it’s very rare for someone to confess to the sin of greed?

Naaalala mo ba ang kuwento namin about sa millionaire na itinanong kung ano ang makapagpaligaya sa kanya, na ang sabi ay, “konting dagdag na lang”? Ito yung katotohanan na tumatagos sa karanasan ng bawat isa sa atin—hindi importante kung gaano karami ang meron tayo, kasi hindi pa rin ito sapat. 

Sabi ng manunulat ng Ecclesiastes ilang libo nang taon ang nakalipas, “Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan (Mangangaral 5:10 ASND).” It’s like an endless cycle: the more we get, the more we want. We become anxious, greedy, at bumabalik-balik tayo para makakuha pa ng higit sa kung ano ang meron tayo ngayon. 

Kaya ito ang kakaibang itinuturo ni Jesus. Akala natin ang pera ang magpapasaya sa atin, pero kadalasan, hindi lang sa hindi tayo nagiging masaya, madalas pa nga tayong mas lalong nalulungkot, nagiging anxious, destructive, and discontented.

Let’s look at some warnings against greed. Sabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari. (Lucas 12:15 ASND)”

Nakikita mo ba, Friend? Nang sinabi ni Jesus na “mag-ingat,” ang ibig sabihin ay parang isang mabangis na bagay, that’s hiding and waiting to ambush us. Hindi madaling mapansin ang kasakiman, pero ito’y parang isang walang katapusang pagnanasa para sa higit pa sa meron tayo at higit pa sa kailangan natin.

Friend, tanungin mo ang sarili kung nangyayari ito sa iyo, at ipagdasal natin kay Lord na tulungan tayong makawala sa kasakiman. 

Isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark Cabag
Author

Advocate for fostering and adoption who loves both the mountains and city life!