You Can Bless Others!
Kailan ba ang huling pagkakataon na may nagawa o nasabi kang nakatulong sa ibang tao? Matagal na ba? O nakasanayan mo nang gawin ito?
As we continue our series this week, “Embracing the Gift That You Are,” titingnan natin ang isa sa mga paraan how we can be a blessing to the people around us.
May tinatawag tayong mga spiritual gifts that the Lord gives to each person. Sa Bible, sinasabing ang mga regalong ito ay ibinigay ng Panginoon para sa kapakinabangan ng Kanyang pamilya, mga tagasunod Niya na nagiging bahagi ng Kanyang simbahan. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
May mga kakayahang ipinagkaloob sa bawat isa sa atin na nagpapakita na nasa atin ang Espiritu, at ang mga itoʼy palaging para sa kapakinabangan ng buong iglesya. Sa isaʼy ipinagkaloob ng Espiritu ang kakayahang magsalita nang may karunungan, at sa isa naman ay ang kakayahang magpaliwanag nang may kaalaman. 9Ang ibaʼy pinagkalooban ng dakilang pananampalataya sa Diyos, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang magpagaling ng mga maysakit. Galing sa iisang Espiritu ang lahat ng ito. (1 Mga Taga-Corinto 12:7-9 ASD)
Some of these spiritual gifts include things like encouragement, serving other people, generosity, among others. Ikaw ba, ano ba ang mga ginagawa mong natural lang para sa iyo pero maaaring hindi natural sa iba? Halimbawa, may mga kakilala kaming kahit bata pa lang ay ang galing nang makinig sa kanilang mga kaibigan, at laging sila ang nilalapitan kapag may problema. Meron din kaming kaibigan na sanay na sanay tumulong sa mga panahong kailangan ng iba, kahit na malaki ang isinasakripisyo niyang oras at lakas.
Kung wala kang maisip, panahon na para itanong ito kay Lord, “Lord, in what ways have You gifted me so that I may serve others?”
Tandaan mo, isa kang miracle!