• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date May 27, 2025

May pinagdadaanan ka ba ngayon?😓

Publication date May 27, 2025

Friend, may mahirap ka bang pinagdadaanan ngayon? Hindi ba’t napakabigat dalhin kapag may problemang parang walang solusyon? Some of us might be undergoing grief over the loss of something dear to us; o baka naman may nangyayaring hindi mo maintindihan o malampasan. 

Friend, kung ikaw ito ngayon, tanggapin mo ang aming virtual hug, with the assurance that the Lord is with you. Tingnan natin ang nakasulat sa Psalm 23, isang awit na isinulat ni Haring David na kilalang-kilala sa title na The Lord is My Shepherd: 

Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban. (Salmo 23:4 ASND

Ang binasa nating ito ay nasa ikaapat na verse ng awit na ito. Sa umpisa, the  writer establishes the qualities of the Lord being our Shepherd: na Siya ang nagbibigay ng lahat ng ating kailangan, at Siya ang nagdadala sa atin sa tamang daan. But in verse 4, it describes a common occurrence for shepherds and sheep during King David’s time, kaya may mga panahong kailangan nilang dumaan sa mga madilim na libis, o mga mapanganib na lugar, tungo sa susunod na damuhan. Kaya ito pala ang inilalarawan ng linyang ito, na kahit sa mga mapanganib na lugar na parang ang dilim- dilim, hindi kinakailangang matakot ang tupa dahil kasama niya ang pastol. 

Ikaw ba, Friend, pakiramdam mo ba ngayo’y dumadaan ka sa pinakamadilim na libis? Let’s pray this aloud: “Hindi ako matatakot, Lord, dahil kayo ang aking kasama. Alam kong iingatan mo ako. Bigyan mo ako ng lakas sa pinagdadaanan kong ito. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.