May paraan si Jesus para tulungan ka—tingnan mo ito,

There are different ways that God can heal a person, Friend. Sometimes it takes time, or the work of doctors and nurses with the help of science; other times, it can be miraculous—kung saan bigla na lang nawawala ang sakit na hindi maipaliwanag. Ikaw, nakakita ka na ba ng taong pinagaling ng Panginoon?
As part of our series this week, “Mga Pinagaling ni Jesus,” let’s read this passage from the Bible:
Maraming tao ang pumunta sa kanya na may dalang mga pilay, bulag, paralitiko, pipi, at marami pang mga may sakit. Inilapit sila sa paanan ni Hesus at pinagaling niya silang lahat. Namangha nang husto ang mga tao nang makita nilang nakakapagsalita ang mga pipi, gumaling ang mga paralitiko, nakakalakad ang mga pilay, at nakakakita ang mga bulag. Kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel. (Mateo 15:30-31 ASND)
Naku, napansin mo ba ang mga nakalista dito? Ito ang mga karamdaman na imposibleng mapagaling agad. Paano ba makakakita kaagad ang isang bulag, makakalakad ang pilay at paralitiko, o makakapagsalita ang pipi? Hindi ba’t ang mga kondisyong ito ay hindi basta at agarang nawawala?
Kung nandoon ka at napapanood mo ang mga nangyayari, tiyak na mamamangha ka rin. Ito ang Panginoon natin, isang Diyos na nagpapagaling ng maysakit. Kaya kung may sakit ka ngayon, o may mahal ka sa buhay na may dinaramdam sa katawan, pwede mo itong ikwento sa kanya at gawing halimbawa ng pagpapagaling ni Jesus.
Pwede mong itong dasalin: “Jesus, kailangan ko ng tulong mo ngayon sa sakit na ______. Kung nais mong pagalingin ako (o ang pangalan ng kakilala), gawin Mo ang nais Mo. Pero kung hindi pa ito ang tamang panahon, bigyan Mo ako ng lakas at paniniwala na alam Mo ang pinaka-makabubuti sa akin. Salamat, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

