May paraan si Jesus para tulungan ka—tingnan mo ito! 🥳

Kapag may kailangan ka,Friend, kanino ka madalas lumalapit? Noong bata ka, mas madalas ba kay nanay o tatay? Ngayong malaki ka na, sinu-sino naman sa mga kaibigan mo ang laging maaasahan?
Bakit namin naitanong ito? We’re continuing our series this week, “Ang Kabaitan ni Jesus,” at titingnan natin ang nangyari sa isang kasalan, kung saan isa sa mga bisita si Jesus. Mababasa natin ito sa gospel of John, Chapter 2, kung saan naimbitahan si Jesus at Kanyang mga alagad. Ngunit naubos ang alak sa handaan kaya lumapit ang ina ni Jesus sa Kanya at sinabing ubos na ang alak. Kahit na wala itong kinalaman kay Jesus, alam mo ba kung ano ang ginawa Niya?
He gave instructions to the servants to fill the jars with water. Pero noong sumalok sila at dinala ito sa namamahala ng handaan, hindi na ito tubig —alak na ito!
Basahin natin ang sumunod na passage:
Tinikman niya ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling (bagamaʼt alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig). Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, “Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak.” (Juan 2:9-10 ASND)
Wow! Jesus did not only perform the miracle of turning water into wine —it was even described as the best wine at the wedding. At alalahanin mo, wala naman itong kinalaman kay Jesus, pero pinili pa rin Niyang gawin para sa bagong-kasal. Ang bait ni Jesus!
Friend, baka may kailangan ka rin for Jesus to show up that way. You can ask Him.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

