May Pag-ibig na Walang Hanggan! 😍
Losing someone you love… it hurts, right? Could be a breakup, a friendship that went sour, a family member working abroad… or worse, through sickness or death. The pain feels unbearable—especially when that person means so much to you.
(On a side note, kung kailangan mo ng encouragement related specifically to grief, you can browse through our website for archives on the topic.)
Kadalasan, ang mga pangyayaring ito ang nagiging dahilan para magtanong tayo: totoo bang may pagmamahal na hindi nagbabago? Buti na lang, we do have God’s unfailing love, which is the focus of our series this week.
Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Magpasalamat kayo sa Panginoon,dahil siyaʼy mabuti.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.(Salmo 136:2 ASD)
Throughout this entire Psalm (which is a song), inuulit-ulit ang linyang ito, “Ang pag-ibig niya’y walang hanggan.” Baka sabihin mo, “Hindi na kailangan pang ulit-ulitin ito.” Pero baka kailangan natin, kasi napakadali nating makalimot. Sa mga hirap at problema sa buhay, hindi ba’t minsan kailangan natin ng constant reminder that there IS Somebody who loves us unconditionally, unfailingly, and unendingly?
Let’s practice this: basahin ang buong Salmo 136 sa Bible. Pagkatapos, kumuha ng papel at isulat ang mga mahihirap o malulungkot na nangyayari sa buhay mo ngayon. At sa tabi ng bawat isa, isulat ito, “ang pag-ibig niya’y walang hanggan.”
Then, we can pray this together, “Lord, salamat na sa [isang pangyayari sa buhay], hindi nagbabago ang pag-ibig mo. Salamat na sa [pangalawang pangyayaring nailista mo], hindi nagbabago ang pag-ibig mo. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!