May needs ka ba today?🥹

Friend, mayroon ka bang kailangan today na hindi mo alam kung saan kukunin? Maybe, it’s a financial need, like kulang sa monthly budget, or may kailangang bayaran na malaking bill. Mahirap kapag wala tayong maisip na paraan, di ba?
Si Abraham ay isa ring character sa Bible na nag-struggle din ng ganito. Actually, sa kanya, hindi siya kulang sa pera; pero malungkot silang mag-asawa ni Sarah dahil wala silang anak. Wala namang mapuntahan ang lahat ng kayamanan nila!
Mababasa natin ang story na ito sa Genesis 12. To make a long story short, binigyan ni Lord si Abraham at Sarah ng sarili nilang anak na si Isaac. Pero tinest ni Lord si Abraham kung i-surrender ba nya itong beloved son nya. Habang papunta sila ni Isaac sa lugar kung saan gagawin ang sacrifice, nagtanong si Isaac, “‘Tay, asan ang tupa para sa sacrifice?”
Naku, napakasakit sigurong isipin ni Abraham na hindi alam ng anak nya na siya pala ang mismong isasacrifice ng ama! Pero ang sagot ni Abraham? “Ang Panginoon ang magbibigay ng kailangan natin, anak.”
At tama nga ang sinabi nya. Dahil sa exact moment na papatayin na sana ni Abraham ang anak nya bilang sacrifice, pinahinto siya ni Lord, at ipinakita sa kanya na totoo nga, may sheep doon sa tabi na pwede niyang gamitin na sacrifice.
Friend, nae-experience mo din ba ang sobrang bigat ng kakulangan, na andami nating kailangan na walang sagot? Si Lord pala ay isang Provider. Natutuwa Syang ibigay ang lahat ng kailangan natin.
Today, Friend, how about ilista natin sa isang prayer notebook ang mga kahilingan natin kay Lord? Matapos natin i-ask kay Lord ito, hintayin natin ang sagot Nya. Kung kailanman dumating ang mga answers, isulat natin sa tabi ng notes. In this way, we can celebrate ang pagiging Provider Nya.
Friend, isa kang miracle!

