• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Naisip mo na ba kung paano naging tao si Jesus? Can you imagine Him as a baby, crying out of hunger, o bilang batang tumatakbo at nadadapa? Paano naman Siya lumaki, bilang isang batang tumutulong kay Joseph at natutong gumawa ng mga muwebles sa bahay? 

At anong koneksyon nito sa atin? 

Did you know that Jesus enjoyed every minute of His humanity—dahil ito ang nagpalapit sa Kanya sa iyo?

Isipin mo ito. Kunyari may isang lalaki na gustong mapanalunan ang puso ng isang babae, ano ang gagawin niya? Sisikapin niyang alamin ang lahat tungkol sa babaeng ito— he wants to understand why she’s reacting that way, know her family background, malaman ang kanyang mga hilig at hindi hilig, mga karanasan sa buhay... at marami pang iba.

Sinasabi sa Bibliya na mayroon tayong mataas na pari na makakaintindi sa ating kahinaan: 

Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala. (Hebreo 4:15 ASND

Nakikita mo na ba si Jesus na dumadaan sa bawat karanasan sa Kanyang buhay dito sa lupa—at sa bawat karanasan, nakikita Niya ang iyong mukha?

At ngayon na Siya ay nabuhay nang muli, pinili Niyang manirahan sa puso mo sa pamamagitan ng Holy Spirit—para mas lalo Siyang mapalapit sa iyo at lalo Niyang maunawaan at madama ang iyong nararamdaman!

Friend, kumuha ng papel at isulat ang mga memorable moments mo from childhood to the present time. Sa bawat isa, see in your mind’s eye that Jesus was right there with you. 

Wow. Ganyan kalaki ang pagmamahal Niya sa’yo! Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.