• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 24, 2025

Friend, may nagpapahalaga sa iyo!💎

Publication date Hul 24, 2025

Friend, ano ba ang maituturing mong pinakamahalagang pag-aari mo? Cellphone ba? Laptop, alahas o bahay? May mga tao namang ang itinuturing na pinakamahalaga ay ang kanilang mga musical instruments, books, or whatever hobbies they have. 

Bakit namin naitanong ito? Dahil ngayong araw, we’ll be looking at Jesus’ parable about the hidden treasure and the pearl: 

Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nang mahukay ito ng isang tao, itinago niya itong muli. Sa tuwa niyaʼy umuwi siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos ay binili niya ang bukid na iyon.

“Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang negosyante na naghahanap ng magagandang perlas. Nang makatagpo siya ng isang mamahaling perlas, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon. (Mateo 13:44-46 ASND

HIndi ba’t kapag may nakita kang isang bagay na gustong-gusto mo, ibibigay mo ang lahat upang makuha ito? Ganito din pala ang paghahari ng Panginoon: parang may isang kayamanang nakabaon sa bukid—ibig sabihin, hindi ito madaling makita ng tao. At kapag nahukay ito, ibibigay ang lahat para dito. Hindi ba’t ganoon nga ang ginawa ng Panginoon sa atin? Hindi nakikita ng mundo ang ating totoong halaga, pero nakikita ito ng Panginoon. At ibinigay Niya ang lahat upang makuha ito, pati ang buhay ng Kanyang sariling Anak, Ibinigay ni Jesus ang buong buhay Niya upang maibalik tayong muli sa Kanya. 

Nakakamangha, di ba? Let’s pray this, Friend: “Lord, salamat at binigyan Mo ako ng halaga kahit hindi ito makikita ng iba. Salamat sa buhay Mong ibinigay, maibalik lang ako sa Iyo. Salamat dahil mahal na mahal Mo ako.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.