• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Okt 17, 2025

May nag-iisip sa iyo,

Publication date Okt 17, 2025

Kumusta ang relasyon mo sa mga magulang mo? Solid ba ito? Hmm, aminin, minsan complicated di ba? May days na super close kayo — kwentuhan, tawanan, kulitan. Pero mayroon din na parang hindi kayo magkaintindihan. Like, “Why can’t they just get me?” moments. And that’s okay. Hindi siya mali, at hindi rin surprising. Kasi kahit magulang natin sila, tao rin sila — may limitations, may sariling pinagdadaanan. And we can’t always expect everyone (even our fam) to fully understand us all the time.

But the thing is, kapag lagi nating naranasan yan, nasasanay din tayo na isipin na si Lord…baka hindi rin Niya tayo iniisip o iniintindi. Good news: the Bible shows us who God really is. For this week’s series, “His ways are higher than our ways,” let’s read this verse from Psalms:

Nakita na ninyo ako,hindi pa man ako isinisilang.Ang itinakdang mga arawna akoʼy mabubuhayay nakasulat na sa aklat ninyobago pa man ito mangyari.O Diyos, hindi ko lubos maunawaanang mga iniisip ninyo;itoʼy sadyang napakarami.Kung itoʼy aking bibilangin,mas marami pa kaysa sa buhangin.Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.(Salmo 139:16-18 ASD)

Can you imagine this? Sobrang daming iniisip ng Panginoon, more than the grains of sand. Subukan mong bilangin ito, exactly, that’s how much He thinks about you. Sinasabi dito na even before you were born, nakita ka na ni Lord. As in, He already knew you — your whole life, nakasulat na sa “book” Niya before pa sila nangyari. Yes, iniisip Niya tayo — at hindi lang basta iniisip, as in sobrang iniisip. Like, all the time.

If questionable sa’yo kung may nag-iisip ng kabutihan mo, eto ang sagot dyan: “Salamat Lord, na iniisip Mo ako, at alam Mo at gusto Mo ang ikabubuti ko. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.