• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 30, 2024

May naghi-hinder ba sa iyo?🧱

Publication date Nob 30, 2024

May mga gusto ka bang gawin or kailangang gawin pero may humahadlang? Baka may need kang gawin pero kulang ng pera, or kulang ng skills. Sometimes, pwede nating hanapan ito ng paraan, like pwede tayong maghanap ng way to earn more money, or we spend time to improve our skills. 

For example, sa amin ni Mark, in our early years of marriage, nahirapan kaming mag-deal ng conflict. Most likely, part ng reason ay ang aming different upbringing and personalities, plus hindi kami trained sa healthy communication. So, kinailangan naming maging intentional na matutuhan ang mga healthy communication skills, at nakatulong ito sa pag-improve ng aming relationship.

Sa Bible, may isang taong nangangailangan ng miracle, ngunit may naghi-hinder sa kanya. (Mababasa natin ang story nito sa John 5:1-15 ASND.) Nandoon na siya sa Pool of Bethesda, kung saan ang paniwala ng lahat ay, once in a while, may angel na gumagalaw ng pool, at kung sino ang unang makapunta sa tubig ay syang makakatanggap ng healing.

Ang galing, di ba? The problem was, itong main character natin ay pilay. Siyempre, mabagal siyang gumalaw, eh, every time may gumagalaw sa pool, kahit anong effort niya, may nauuna talaga sa kanya. 

Friend, can you relate sa desperation na most likely napi-feel niya? Na kahit ano’ng gagawin mo, wala pa ring mangyayari?

Pero hindi dito nag-end ang story: si Jesus mismo ang lumapit sa taong ito at tinanong kung gusto niyang gumaling. And, ibinigay ni Lord sa kanya ang miracle na kailangan niya, kahit na may naghi-hinder sa kanya na lumapit sa healing niya. 

(Panoorin ito sa The Chosen, Season 2, Episode 4, The Perfect Opportunity, 45:33 - 50:17.) 

Friend, kahit ano pa ang humahadlang sa iyo, pwede kang lumapit kay Jesus! Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.