• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 27, 2025

Friend, may nagbigay na ba sa iyo ng pinaka-treasure nila? 💝

Publication date Hul 27, 2025

Friend, kumusta ka ngayong linggo? Today is the last day in our series, at titingnan natin ang talinghaga tungkol sa may-ari ng isang ubasan. 

Sa bansa natin, karaniwan na sa mga may-ari ng lupa ang paupahan ito sa mga magsasaka. Ganito din ang ginawa ng may-ari ng ubasan sa kwento ni Jesus. Pinaupahan niya ito pagkatapos ay pumunta sa malayong lugar. Dumating ang harvest time, dahil dito nagpadala siya ng mga tauhan upang kunin ang kanyang parte. 

Wala namang kakaiba sa nangyari, hindi ba? Ganyan talaga ang ginagawa ng mga may-ari ng lupa at ng mga magsasakang umuupa sa lupa niya. Pero sa talinghagang ito, iba ang nangyari. Let’s read what’s written in the Bible:

Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin. Binugbog nila ang isa, pinatay ang isa at binato naman ang isa pa. Nagsugo ulit ang may-ari ng mas maraming alipin, at ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. Nang bandang huli, pinapunta ng may-ari ang kanyang anak. Ang akala niyaʼy igagalang nila ito.

“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak ng may-ari, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’ Kaya sinunggaban nila ito, dinala sa labas ng ubasan at pinatay. (Mateo 21:35-39 ASND)

Nakakalungkot,  hindi ba? Alam mo bang ang kwentong ito ay paglalarawan ng mga pangyayari kay Jesus? Ang Ama sa langit ang may-ari ng ubasan, ang daming tagasunod ang ipinadala Niya para bumalik ang sangkatauhan sa Kanya, ngunit hindi ito pinansin ng mga tao. Sa huli, ang Kanyang sariling Anak ang sinugo Niya, ngunit hindi lang nila Siya pinakinggan, pinatay pa nila Ito sa krus! 

Friend, let that sink in for a moment, and feel just how much He loves you, kaya ginawa Niya ito. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.