• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 26, 2024

May maliit ka bang alay ngayon?😊

Publication date Nob 26, 2024

Ano ba ang mga favorite memories mo noong bata ka pa? Nakapaglaro ka ba sa labas ng bahay, tatawagin na lang umuwi kapag hapunan na? Nakipaghabulan ka ba sa mga kalaro mo hanggang sa hinihingal ka na sa katatakbo? 

Masarap isipin muli ang mga araw na bata pa tayo at walang iniintindi, hindi ba? Kung young adult ka na ngayon, malamang may mga responsibilities ka nang iniisip araw-araw. If ikaw na ang kumikita ng income, may mga bills na kailangan bayaran, at may mga chores din na dapat regularly ginagawa. Sometimes, nadadala tayo sa worries natin. 

May isang ganitong nangyari sa time na nandito si Jesus kasama ang mga disciples Nya. Maraming sumama sa Kanya na gustong magkaroon ng healing, o makinig sa mga words Nya na nagbibigay sa kanila ng lakas-loob. But one time, nagworry ang mga disciples Nya dahil napakarami na ng tao at napakalayo pa nila sa mabibilhan ng pagkain. (Mababasa ito sa Mateo 14:13-21 ASND.) 

Alam mo ba kung ano ang nangyari? Sinabi ni Jesus sa kanila na sila daw ang magpapakain sa libu-libong taong kasama nila. Gulat na gulat ang mga disciples, at hindi nila alam ang gagawin. Pero may isang batang nag-alay ng kanyang dalang isda at tinapay. Malamang may idea ka na kung ano’ng nangyari sa pagkaing ito: kinuha ito ni Jesus at nagperform Sya ng miracle kung saan ang limang pirasong tinapay at dalawang isda ay naging sobrang-sobra pa sa needs ng 5,000 people na nandoon. 

Panoorin natin ito sa The Chosen Season 3 Episode 8: Sustenance, mula 44:13-49:15.

Friend, ikaw ba, mayroon ka bang maliit na pwedeng ialay kay Jesus? Kahit na feeling mo kulang ito, try mo lang na ibigay lang ito sa Kanya. Alam Nya kung paano gamitin ang maliit na alay sa kailangang mangyari. 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle. 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.