May makapag-stop ✋kaya ng love Niya?

Mayroon na bang nagbanta sa iyo na mawawala ang pag-ibig ng Diyos sa’yo kapag nagpatuloy ka sa pagiging matigas ang ulo?
Baka maging totoo iyon kung ang pag-ibig ng Diyos ay nasusukat lamang batay sa kapasidad ng tao. Halimbawa, kung ang pag-ibig ng Diyos ay katulad ng pag-ibig ng ating mga magulang sa atin, o kahit na tulad ng pag-ibig ng mag-asawa, tiyak na malaki ang magiging problema natin.
Pero, kahit na ang mga anyo ng pag-ibig ng tao ay nagbibigay sa atin ng isang sulyap ng Kanyang pag-ibig, sila’y simpleng sulyap lang. Ang Kanyang pag-ibig, na banal at hindi maabot ng ating pang-unawa, ay higit pa sa ating kayang intindihin. Ngunit sa pamamagitan ng krus, ipinakita Niya sa atin kung paano gumagana ang pag-ibig na ito: walang kondisyon, walang kabayaran, hindi karapat-dapat, pero ibinibigay pa rin!
Habang tayo’y mga makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin (Roma 5:8 ASND).
Basahin mo aloud ito, Friend:
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios. (Roma 8:38-39 ASND)
Walang anuman sa buong nilikha? Kamangha-mangha. Dahil ang Diyos, na Siyang Pag-ibig, ay hindi nilikha, natural na walang nilikha na makakapigil sa pag-ibig na iyon! At kung iniisip mong dahil sa iyong kalokohan ay maaaring mawala sa iyo ang pag-ibig na iyon, isipin mo ito, maliit na nilalang: paano mo mapipigilan ang Pag-ibig na ito?
Friend, mahal ka Niya at isa kang miracle!

