May Mahirap Ka Bang Pinagdadaanan Ngayon? He’s There for You! 🥰
Lindol, bagyo, baha… mga natural calamities na nararanasan natin dito sa ating bansa. Nakakatakot, ‘di ba? Lalo na kapag malakas ito, tulad ng mga nangyari kamakailan sa iba't ibang lugar. Ang daming nasira, nawalan ng kabuhayan, at may mga taong nasaktan o nawalan pa ng buhay.
Bakit namin nabanggit ito? Dahil minsan, may mga nangyayari sa buhay natin na parang nabubulabog ang lahat—parang may lindol, bagyo, o iba pang kalamidad—kung saan nawawala ang mga bagay na inaasahan natin.
May isang kasulatan sa Bible na ikinukumpara ang pag-ibig ng Diyos sa pagyanig ng mga bundok, na sa tingin namin ay tamang-tama para sa series natin this week on “God’s Unfailing Love.” Basahin natin ito:
Kahit mayanig ang mga bundok,at maglaho ang mga burol,ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mayayanig,at ang kapayapaang ipinangako koay hindi maglalaho,”sabi ng Panginoong nagmamalasakit sa iyo. (Isaias 54:10 ASD)
Nakikita mo ba, how stable and steady God’s love for you is? Even though it might sound only poetic, it’s true! Kahit ano pa ang mga mangyayari sa buhay mo, kahit masira pa o mawala ang lahat, may isang bagay na hinding-hindi mawawala sa iyo, at ito ay ang pagmamahal ng Panginoon sa iyo. Mayroon kang pwedeng sandalan sa mga mahihirap na panahong ito, dahil hinding-hindi ka Niya pababayaan, at ang kapayapaang ipinapangako Niya sa iyo ay hindi maglalaho. Isn’t that good news?
Pwede mong dasalin ito, “Lord, salamat at hindi kailanman naglalaho ang pagmamahal Mo sa akin. Tulungan mo ako sa lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!