May kondisyon ba ang pagmamahal Niya?🧐

Friend, do you think there are conditions for receiving God’s love? Hindi ba, kung iisipin natin ang karanasan natin sa mga kaibigan at mga mahal natin sa buhay, minsan, naapektuhan ang relasyon natin depende sa mga ginagawa natin? Kung may nagawa tayong mali, it can cause conflict or a gap between us and a friend or loved ones.
In our relationship with God, madami sa atin ang nag-iisip na may mga bagay na dapat gawin o hindi dapat gawin, at iniisip nating ito ang layunin ng Bibliya. Tama naman, sa Bibliya, may mga nakasulat nga na mga rules, laws, and guidance. But, as we’re learning this week, the Bible is not just about things to do and not do; it’s more of a love letter from the Lord.
Bakit natin sinasabi ito? Gaya ng pinag-usapan natin sa mga nakaraang araw, ang buong Bible pala ay tungkol kay Jesus at sa pagmamahal Niya sa atin. At ito pa, basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Sapagkat hindi nila alam na si Cristo ang hangganan ng Kautusan. Dahil sa kanyang ginawa, ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay itinuturing ng Dios na matuwid. (Roma 10:4 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Si Jesus daw ang hangganan ng Kautusan. At ang ating katwiran ay nakasalalay sa kanyang ginawa sa pagbibigay ng buhay Niya sa cross, hindi depende sa ating mga ginagawa. Dito natin malalaman na ang buong Bibliya, pati ang mga kautusang matatagpuan sa Old Testament, ay nagpapakita ng pagmamahal ng Panginoon na ipinakita Niya sa buhay at ginawa ni Jesus.
Friend, ipagdasal natin ito: “Jesus, salamat at Ikaw ang hangganan ng Kautusan. Turuan mo ako ng katotohanan na matuwid ako sa Iyong mga mata dahil sa Iyong ginawa sa cross. Salamat at mahal na mahal Mo ako. Amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

