May katiyakan tayo sa pagmamahal Niya 📜

Sa buhay natin, hindi maiiwasang makakatanggap tayo ng masamang balita — minsan nga, sunod-sunod pa. At madalas, napapaisip tayo kung anong klaseng puso mayroon ang Diyos para sa atin. What do you think of Him when these things happen?
The enemy’s tactic from the start is to distort our image of God. Una, pinaniwala niya ang isang-katlo ng mga anghel na mag-rebelde laban sa Diyos sa pamamagitan ng pagtatanong kung talagang mabuti ang Diyos. Tapos, inilagay din niya ang duda sa isipan ni Eva, na parang hindi inaalala ng Diyos ang kanilang pangangailangan (Genesis 3:1, "Talaga bang sinabi ng Diyos, 'Huwag kayong kakain mula sa kahit anong puno sa hardin?'). Higit pa dito, hinikayat niya si Eva na mag-isip na ang Diyos ay makasarili dahil pinagbawalan silang kumain mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama.
So, how can you be sure that His plans for you are good—lalo na kung parang lahat ng bagay ay mali, o hindi pa natutupad ang mga hinihiling mo?
Sabihin mo ito nang malakas, Friend: We can trust His heart when we look at the cross—ang tiyak at hindi nagbabagong patunay ng Kanyang pagmamahal para sa atin.
Maaaring magbago ang mga pangyayari sa paligid natin, pero ang ginawa Niya sa cross ay hindi nagbabago. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa iyong kapatawaran; tinanggap Niya ang bawat latigong tumama sa Kanya para sa iyong kagalingan; inako Niya ang lahat ng sumpa ng ating pagsuway sa batas para sa iyong pagpapala; iniwan Siya ng Kanyang Ama para matanggap tayo bilang mga anak; at naranasan Niya ang bawat emosyon na may kinalaman sa ating paghatol para magkaroon tayo ng tapang na lumapit sa Kanyang presensya!
Ang galing, ano, Friend? Isa kang miracle!

