• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date May 12, 2026

May Kasama Ka! Hindi Ka Nag-iisa! 🤗

Publication date May 12, 2026

Isa siguro sa pinakamahirap kapag may mabigat kang pinagdadaanan ay ang kaalamang wala kang karamay. Gusto mo ng kausap, pero walang handang makinig. Gusto mong umiyak, pero walang gustong umunawa. Sa karanasan namin, mas bumibigat ang problema kapag walang nakikiramay o kahit nakikinig man lang. Samantalang kapag may kasama, parang gumagaan ang lahat at mas kinakaya mo ang problema.

As we continue our series, “Hope for Every Season: Your Anchor When Life Feels Heavy,” we hope you can find a firm anchor in the Lord. Let’s read this passage from the Bible: 

Ang Panginoon ang aking pastol,hindi ako magkukulang ng anuman.Pinagpapahinga niya akosa malagong damuhan,inaakay niya ako patungosa tahimik na batisan.Binibigyan niya akong panibagong kalakasan.Pinapatnubayan niya akosa tamang daan,upang siyaʼy aking maparangalan. (Salmo 23:1-3 ASD

Ang sarap basahin, ‘di ba? Totoo ito—gusto ng Panginoon na alagaan ka, tulad ng pag-aalaga ng isang pastol sa kanyang mga tupa. Kasama na rito ang pagbibigay sa’yo ng kapahingahan at katahimikan.

Sa lahat ng pinagdadaanan natin, hindi ba’t kailangan natin ng mag-aalaga sa atin, ng katahimikan at kapayapaan? Pwede natin itong hingin kay Lord. At kahit na hindi agad nawawala ang mga problema natin, ang mga konting sandali na nakakaramdam tayo ng kapayapaan at kapahingahan ay napakahalaga sa ating journey through these difficulties.

We can pray this together, “Lord, mabigat ang pinagdadaanan ko ngayon sa [ikwento dito ang nangyayari]. Bigyan Mo ako ng pahinga at lakas upang lumakad kasama Ka sa mga panahong ito. In Jesus’ name, Amen.”

 Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.