Kailangan ka? God will provide.

Dumarating ba ang panahong may kailangan ka, pero sa isip mo’y sigurado kang hindi ito ibibigay ni Lord? O baka ang tingin mo sa Panginoon ay isang mahirap na amo na laging kinukuha ang lahat ng gusto mo?
As we continue our series, “Ang Mapagbigay na Panginoon,” tingnan natin sa Bible ang kwento ni Abraham—where he was called by the Lord to offer up his only son Isaac as a sacrifice. Lagi itong ginagamit ng mga Christians as an example of surrendering things that we love to the Lord. May punto naman ito, pero hindi ibig sabihin na lahat ng mahalaga sa atin ay gustong kunin o tanggalin ni Lord.
But today, we will look at the scene where the phrase “The Lord Provides” first came from. Noong nasa bundok si Abraham na handang ialay ang kanyang anak, may anghel na nagpakita sa kanya at pinigilan ang kanyang kamay na patayin si Isaac gamit ang itak. Ito ang nangyari:
Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang anak mo! Ngayon, napatunayan ko na may takot ka sa Diyos dahil hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak.”
Paglingon ni Abraham, may nakita siyang isang lalaking tupa na ang sungay ay nasabit sa mga sanga ng kahoy. Kaya kinuha ito ni Abraham at inihandog bilang handog na sinusunog kapalit ng kanyang anak. Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “Naglalaan ang Panginoon.” Ito ang pinagmulan ng kasabihang, “Sa bundok ng Panginoon may inilalaan siya.” (Genesis 22:12-14 ASD)
Dito natin makikita na si Lord mismo ang naglalaan ng mga pangangailangan natin. Hindi Siya isang madamot na Panginoon, kundi tunay Siyang mapagbigay.
Let’s say this aloud together: “The Lord provides. Mapagbigay nga Siya.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

