May kaaway ka ba?😤

Friend, may kaaway ka ba? Baka may classmate kang kahit sa first day pa lang ay talagang hindi na kayo magka-vibes? Or, meron ka bang family member o kaibigan na naging kaaway? Ano ba ang nangyari? Sa friendship minsan, when conflicts are left unresolved, pwede itong lumaki hanggang sa hindi na ninyo alam paano ayusin.
Ang lahat ng ito ay mga relationships that may be hard to navigate. Minsan, iniisip natin, mas madali pang kalimutan na lang ang lahat at hindi na makipagkita muli sa mga taong ito. Totoo nga naman, may panahon na kailangan natin to set boundaries in unhealthy relationships. Pero on the flip side, may pagkakataon din na hindi mangyayari ang tuluyang mawawala ang interaksyon natin sa mga taong itinuturing nating “kaaway.”
Alam mo ba kung ano pa ang sinasabi ni Jesus sa Bible? Hindi lang pala para sa mga loved ones natin ang love for others. Can you believe, He’s encouraging us to love even our enemies?
Basahin natin ito:
“Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Mahalin mo ang iyong kaibigan, at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo. Kung gagawin ninyo ito, magiging tunay na anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat hindi lang sa mabubuting tao niya pinapasikat ang araw kundi pati na rin sa masasama. At hindi lang ang matutuwid ang binibigyan niya ng ulan kundi pati na rin ang mga hindi matuwid. (Mateo 5:43-46 ASND)
Naku, napakahirap mahalin ang kaaway, di ba? But let’s try this, Friend. Magsabi ka ngayon ng isang simple prayer to bless your enemies. Pwede mong sundin ito, “Lord, paki-bless si _______.”
Friend, isa kang miracle!

