May Invitation Ka
Nakatanggap ka na ba ng imbitasyon sa isang importanteng event na “invitation-only”? Alam mo yung feeling na may pangalan ka sa guest list, may reserved seat para sa’yo, at kailangan mong mag-RSVP para siguradong may lugar ka?
Dito sa Pilipinas, hindi naman tayo ganoon ka-strict sa mga invitations. Madalas nga, isa lang ang inimbita pero kasama ang buong pamilya. Pero sa mga weddings at events na may limited seats—lalo na kapag ginaganap sa hotels o elegant restaurants—mas seryoso ang RSVP. Kailangan mong kumpirmahin kung pupunta ka para maayos ng organizers ang seating at pagkain para sa mga bisita.
At sa ibang bansa, kapag wala ka sa guest list o hindi ka nag-RSVP, posible talagang hindi ka papasukin.
Pero alam mo ba, may isang invitation na mas mahalaga kaysa sa kahit anong event invitation? Invitation ito mula mismo kay Jesus.
Sabi sa Pahayag 3:20 ASD:
Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.
Ang magandang invitation na ito ay hindi lang tungkol sa pagpunta sa isang lugar. Invitation ito para magkaroon ng personal na relationship with Jesus.
Si Jesus ang ating Tagapagligtas. Pero higit pa roon, nais Niya tayong makilala at makasama araw-araw.
Pero ano nga ba ang talagang gusto Niya?
Gusto Niyang magkaroon ng heart-to-heart connection with you. Isang daily relationship. Gusto Niyang makipag-usap sa iyo, ipakita sa iyo ang lahat ng ginawa Niya para sa iyo, at samahan ka sa bawat season ng buhay mo—in good times and difficult times, in sickness and in health.
At ang invitation na ito ay para sa’yo. Ang tanong: Bubuksan mo ba ang pinto?
If you haven’t accepted Jesus yet as your Lord and Savior, pwede mong gawin ito ngayon. Simple lang ang unang hakbang—lumapit sa Kanya at buksan ang puso mo.
Tandaan mo, isa kang miracle!