May ibang tahanan tayo! π°

Friend, alam mo bang ang pagiging tagasunod ni Jesus ay hindi lang para sa buhay na ito, kundi para rin sa buhay na walang katapusan? Pagkatapos nating mamatay, meron pala tayong maaasahang bagong buhay na kasama si Jesus. At alam mo bang sa buhay na iyon ay may katawan pa rin tayo?
Marami sa atin ang lumaki na ang pag-iisip ay ang heaven ay isang lugar na tayo ay parang mga espiritu lang, na mukhang mga baby angels with wings na kumakanta gamit ang harp. Pero iba pala ang nakasulat sa Bible. Sinasabi dito na may plano pala ang Panginoong bigyan tayo ng katawang panlangit. Let’s read this aloud, Friend:
Alam natin na ang ating katawang panlupa ay parang bahay na ating tinutuluyan habang nasa mundo pa tayo, at itoΚΌy masisira. Ngunit alam din natin na may inihandang katawang panlangit ang Dios para sa atin na hindi mamamatay kailanman. Ang katawang ito ay ginawa ng Dios at hindi ng tao. Dumaraing tayo sa ngayon, dahil pinananabikan nating maisuot na ang katawang panlangit. At kapag nangyari ito, hindi matatagpuang hubad ang ating kaluluwa. (2 Corinto 5:1-3 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Hindi daw matatagpuang “hubad” ang ating kaluluwa. Ang isang magandang example nito ay ang resurrected body ni Jesus after Niyang mabuhay muli. Hindi siya kaluluwa lang; noong nagpakita Siya sa mga tagasunod Niya, inanyayahan pa Niya ang mga ito na hawakan ang Kanyang kamay at malamang totoong buhay Siya. Kumain pa nga Siya kasama nila. Pero itong katawan ding ito ang siyang nakakalusot sa isang silid na nakasara ang pinto!
Let’s continue reading this aloud:
… Ang Dios na rin ang siyang naghanda sa atin para tanggapin natin ang bagong katawan, at bilang katiyakan, ibinigay niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu. (2 Corinto 5:5)
Ang galing, ano? Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

