May hope kay Lord! 🥰

"Truly, I say to you, today you will be with me in Paradise.” (Luke 23:43)
Ito ang pangalawa sa mga nakatalang 7 last words ni Jesus bago Siya namatay sa cross, na pag-uusapan natin ngayong araw.
Minsan ba, naiisip mong wala nang pag-asa ang isang taong magbago? As human beings, we sometimes have the tendency to write off certain people, lalo na kapag nakikita natin ang mga ginagawa nila.
Pero alam mo ba iba ang paningin ni Jesus sa mga ganito? During his ministry on earth, hindi naiintindihan ng ibang tao kung bakit laging sumasama si Jesus sa mga makasalanan. At ang sagot ni Jesus sa kanila ay, “Ang mga taong walang sakit ay hindi nangangailangan ng doktor, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid sa kanilang sariling paningin , kundi ang mga makasalanan.” (Marcos 2:17 ASND)
And as if this wasn’t enough, hanggang sa huling pagkakataon, nagiging kaibigan pa rin si Jesus ng mga makasalanan. Noong nakapako na Siya sa krus, may dalawang magnanakaw na ipinako rin, isa sa Kanyang kaliwa, at isa sa kanan. Ang unang magnanakaw, he made fun of Jesus, challenging Him to get down from the cross if He truly is the son of God. Ang pangalawang magnanakaw naman, pinagalitan itong kasama niya, “Hindi ka ba takot sa Diyos? Walang kasalanan ang taong ito ngunit ipinako sa krus.”
Matapos ito ay tumingin siya kay Jesus at nagsabing, “Jesus, alalahanin n’yo ako kapag naghahari na kayo.” (Tingnan ang kuwento sa Lucas 23:39-43)
At ang sagot ni Jesus sa kanya ay, “Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:43 ASND)
Ang galing, ano? Wala palang hopeless para kay Jesus.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

