May hinihintay ka ba? 🤔

Siguro napansin mo na dito sa atin, ang araw na ito ay first day ng Simbang-Gabi sa simbahang Katoliko. Baka naka-attend ka pa nito noong bata ka, at pwede ding hanggang ngayon, isa pa rin ito sa mga favorite Christmas traditions mo. Gumigising ang buong pamilya ng madaling-araw, at sama-samang pumupunta sa simbahan. Matapos ang misa ay may mga pagkaing pwedeng bilhin sa labas, gaya ng bibingka at puto-bumbong. Sa karamihan sa ating mga Pilipino, part ito ng Christmas celebration, whether or not active tayong magsimba sa ibang panahon ng taon.
We can connect the tradition ng Simbang-Gabi na ito sa Christian principle ng “advent,” na ang meaning ay “waiting.” So ang purpose ng tradition na ito ay ang pag-celebrate ng ating paghihintay sa coming ni Jesus bilang baby on Christmas Day.
Napaka-rich pala ng concept ng waiting ano? Pag sinabi nating we’re waiting for something, pwede itong mabuti o hindi. For example, ikaw, Friend, may hinihintay ka ba? Baka may hinihintay kang job promotion, or breakthrough sa isang problema. Baka may hinihintay kang result ng isang job interview, or ng isang entrance or board exam. Baka may hinihintay kang loved one na umuwi, or perang pambayad sa due date, na hindi mo alam if darating nga ba o hindi. Di ba minsan mahirap maghintay?
If may hinihintay kang pwedeng cause ng anxiety mo, Friend, baka makaka-encourage ito sa iyo:
… ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina. (Isaias 40:31 ASND).
Friend, magtiwala kay Lord, na ang plano Nya sa iyo ay para sa kabutihan mo!
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

