May Halaga Ba ang Puso Mo?🤔
Minsan talaga, kahit anong paliwanag mo, may mga taong hindi ka maiintindihan. At minsan din, kahit anong gawin mo, parang kulang pa rin… pakiramdam mo, wala kang halaga. Oops, we're not saying this for you to feel depressed. Alam namin na napakalungkot kapag pakiramdam natin wala tayong halaga. But we’re saying this so you know na hindi ka nag-iisa sa nararamdaman at iniisip mong ganito.
Simula pa noong bata ako, lagi na akong nagtatanong kung ano ang silbi ng buhay ko. Now that I’m older, naiintindihan ko na that desire actually comes from the natural human longing to matter.
As we wrap up our series this week (but of course, this isn’t the end of the conversation!), “Discovering Your True Worth: Uncover the Value God Sees in You,” basahin natin ang sinabi ng Panginoon sa Kanyang alagad na si Samuel, noong hinahanap ni Samuel ang magiging bagong hari na pipiliin Niya:
“Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.” (1 Samuel 16:7 ASD)
Sa kwentong ito, pinili ng Panginoon ang batang si David, ang bunso sa kanilang magkakapatid, kahit na binabalewala siya ng buong pamilya. SiyaĘĽy ginawang tagabantay ng mga tupa habang nasa bahay lang nila ang napakahalagang si Samuel. Pero nakita ng Panginoon ang tunay na halaga ni David, dahil tiningnan Niya ang puso nito.
Alam mo ba, nakatingin si Lord sa puso mo, at kitang-kita Niya ang halaga nito—at ang halaga mo. Kaya sa mga panahong pakiramdam mo ay wala kang silbi, isipin mo itong katotohanan: nakikita ni Lord ang puso mo, at para sa Kanya, napakahalaga nito.
Tandaan mo, isa kang miracle!