May good news, ...mawawala rin ang kalungkutan mo! ☺️
Kung nasubaybayan mo ang buong linggong series natin na “Dalamhati (Grief),” we know that it might not have been an easy week. Not because we want to give you an added burden, but because we want to help you process some of the grief you might be feeling over a loss in your life.
Pero may good news pa rin tayo bilang mga tagasunod ni Jesus. Alam mo bang hindi lang yakap at tulong ang gusto Niyang ibigay habang dumadaan tayo sa mabibigat na damdamin gaya ng pagdadalamhati, kundi may pangako din Siyang ayusin ang lahat sa huli?
Let’s read this passage together:
Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. ‘Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,’ kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.” (Pahayag 21:3-4 ASD)
Ito ang pangako ni Jesus na mangyayari at the end of the age when He returns again. Siya mismo ang magpapahid ng mga luha sa ating mga mata, at pangako Niya ring wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan, o sakit. Naku, kung nakaranas ka ng mga ganitong bagay sa buhay mo, napakagandang balita ito—na sa huling panahon, mawawala rin ang lahat ng sakit at pagdurusang dinaranas natin ngayon.
Kaya, kung ngayon ay nasa sitwasyon ka na hindi mo nakikitang may panahon pang pwedeng maging maligaya muli, OK lang—natural lang iyan. Pero hawakan mo itong pangako ng Panginoon sa atin: na sa huli, lilipas din ang dating kalagayan kung saan nandoon ang lahat ng kalungkutan, iyakan, at sakit.
Tandaan mo, isa kang miracle!