• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Peb 14, 2025

May date ka ba today?💐

Publication date Peb 14, 2025

Happy Valentine’s Day! May date ka ba ngayon? Kung meron, we pray that your time together will be mutually encouraging. Kung wala, it’s OK, maaari pa rin nating i-practice ang pagiging encouraging with our existing relationships. 

Friend, have you ever experienced a conflict with someone you love na tumaas na lang ng tumaas ang emotions ninyo hanggang hindi na kayo nagkaintindihan? Mahirap pag ganoon, ano? Pero alam mo bang na-describe pala ang pangyayaring ito sa Bible? Let’s read this together: 

Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot. (Kawikaan 15:1 ASND

Most likely, you’ve already seen an example kung paano lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot. Hindi ba, kapag may misunderstanding, ang daming nasasabi na instead of resolving the issue, lalo pang lumalala ito? (Hopefully, hindi ito mangyari sa special day na ito, ano?) Pero na-experience mo na rin ba kung paano makakapawi ng poot ang malumanay na sagot? 

Usually, kapag nasa conflict na tayo, mahirap mag-isip ng sagot na hindi galit! Medyo emotional kaming mag-asawa, kaya kapag hindi nagkakaintindihan, tendency din naming mag-release ng mga pabalang na sagot. Through communication and relationship classes, we learned the importance of pausing first to return to a calm state, saka ipagpatuloy ang conversation. At nakikita namin ang laking difference nito! 

This is also what we encourage you to do Friend. Kapag may kausap kang parang emotional na ang isa or both of you, try to hold off on responding for a moment, unless kaya mong sumagot nang malumanay. I-try mo ito, at kwentuhan mo kami kung ano ang nangyari. 

We believe in you, Friend! Isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.