May Alay Siya Para Sa Iyo… Alam Mo Ba Kung Ano?🤔
Isa ka ba sa lumaki na ang mga magulang ay nasa ibang bansa? Very common ito dito sa Pilipinas, umaalis ang mga magulang at iniiwan ang kanilang mga anak para mabigyan sila ng mas magandang future. There are both advantages and disadvantages to this, pero kadalasan iniisip ng mga magulang na ito'y isang malaking alay at sakripisyo para sa kanilang mga minamahal. Sa'yo ba, ano ang isang bagay na maituturing mong pinakamalaking alay ng ibang tao para sa'yo?
(Of course, it’s a whole different conversation to talk about how the children might feel about this if they end up growing up without the parents’ presence. But for today, we are looking at the concept of offering something in exchange for something else.)
As we continue our series, “God’s Unfailing Love,” let’s read what the Bible says:
Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. (Juan 15:13 ASD)
Can you imagine that, ang may isang taong handang ialay ang sariling buhay para sa iyo? Ito ang ginawa ni Jesus noong ibinigay Niya ang sarili Niyang buhay para sa mga kaibigan. Pero… alam mo bang sa panahong ginawa Niya ito, hindi pa pala tayo kaibigan ng Diyos? Let’s read this passage aloud:
Bihira ang taong mag-aalay ng kanyang buhay para sa isang taong matuwid, bagamaʼt maaaring mayroong maglakas-loob na ibigay ang kanyang buhay para sa isang mabuting tao. Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin. (Mga Taga-Roma 5:7-8 ASD)
Nakikita mo ba? Hindi lamang Niya inialay ang Kanyang buhay dahil tayo’y mga kaibigan Niya, kundi inialay Niya ito noong tayo’y mga kaaway pa Niya—at sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, ginawa Niya tayong mga kaibigan.
Tandaan mo, isa kang miracle!