• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 22, 2025

Matabang lupa ba ang puso mo? 🌾

Publication date Hul 22, 2025

Nakapunta ka na ba sa bukid? Nakakita ka na ba kung paano naghahasik ng binhi ang isang magsasaka? Kung lumaki ka sa kabukiran, malamang nakakita ka na nito, pero kung lumaki ka sa lungsod, baka nakikita mo lang ito sa mga pelikula.

Naitanong namin ito dahil nakagawian ni Jesus hindi lamang ang magkwento ng mga talinghaga, kundi ang gumamit din ng mga pangkaraniwang bagay sa paligid. Today, we’ll be looking at the parable of the sower, found in Mateo 13:3-23, pero ito lang muna ang basahin natin:

“May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at pinagtutuka ang mga binhing iyon. May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang binhi dahil mababaw ang lupa. Ngunit natuyo rin ito nang masikatan ng araw, at namatay dahil hindi masyadong nag-ugat. May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at sinikil ang mga tumubong binhi. Ang iba nama’y nahulog sa matabang lupa, lumago at namunga. May tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan. Makinig ang sinumang may pandinig!” (Mateo 13:3-9 ASND)

Did this bring pictures to your mind? Sabi ni Jesus, ang talinhagang ito ay larawan ng pagtanggap ng mga tao sa salita ng Diyos. Ang mga binhing hindi tumubo is when God’s Word falls on people who are distracted by the cares of this life or fall away because of difficulty. At ang matabang lupa ay sumisimbolo sa mga taong buong-pusong tinatanggap ito.

Sa tingin mo ba, ang puso mo ay matabang lupa na handang tanggapin ang salita ng Diyos? You can pray this: “Lord, let my heart be good soil for Your Word.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.