• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 15, 2025

Maliwanag ba ang buhay mo?đź’ˇ

Publication date Hun 15, 2025

Kapag naririnig mo ang katotohanang nilikha ka in His image, ano ba ang pumapasok sa isip mo? Hopefully, you now understand that this means He created you with the ability to love, to be creative, to do good to others, and so much more.

Ngayon, tingnan natin ang isa pang katotohanan: na ang paglikha Niya sa atin ayon sa Kanyang wangis comes with a purpose for us in this world.

Basahin natin itong nakasulat sa Bible:

“Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon na lang at tinatapak-tapakan ng mga tao.

“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.” (Mateo 5:14-16 ASND)

Nakikita mo ba? You have a purpose in this world— to be the salt and light of the earth— and this is part of what it means when we say we are created in the image of God. Siya mismo ang ilaw ng mundo, at binibigyan din Niya tayo ng responsibilidad katulad ng nasa Kanya.

Kumuha ng notebook o ng cellphone mo, at isulat ang mga bagay kung saan pwede kang magsilbing ilaw sa mga taong nakakasalamuha mo bawat araw. Saang sitwasyon ka ba pwedeng makatulong— o kahit magbigay lang ng encouragement or listening ear?

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.