• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UR Urdu
Publication date Ene 30, 2025

Malayo bang abutin si Lord? 🔭

Publication date Ene 30, 2025

Nakita mo na ba yung mga magulang na kausap ang kanilang mga maliliit na anak? Madalas, hindi nila maiwasang gumamit ng boses na parang bata, at yung mga salitang ginagamit nila ay iba compared to the words they use when talking to fellow adults. 

Bakit nga ba ganun? Siguro isa itong magandang halimbawa kung paano ang ating Ama sa langit nakikisalamuha sa atin. 

Minsan, naiisip natin na kailangan natin gawin o maging kung anuman para marinig si God, parang ang “kalooban” Niya ay malayo o mahirap abutin. Pero sabi sa Bible, 

“Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya.” (Mateo 7:11 ASND).

Friend, hindi tayo ang unang lumapit kay God. Kaya wala tayong reason to worry, na baka hindi Niya tayo marinig o kausapin. Siya ang unang lumapit sa atin—siya pa nga ang nagkatawang-tao para makipag-ugnayan sa atin! At nang namatay si Jesus sa cross, binuksan Niya ang daan para manahanan Siya sa atin.

Kung ang kamatayan ni Jesus ang nagbukas ng daan para makipag-communicate tayo kay God, sigurado tayo na laging bukas ang daan, kahit ano pa ang mangyari! 

Sabihin mo ito aloud, Friend: “Ang relasyon natin kay Lord ay hindi nakadepende sa kung anong nagawa o hindi natin nagawa—hindi ito tungkol sa ating tagumpay o pagkatalo, kundi sa perpektong gawa ni Jesus sa cross.”

Relax lang, Friend. Si Jesus, kayang-kaya ka Niyang kausapin sa wika mo—at masaya Siyang ginagawa ito, kasi ikaw ay sobrang mahalaga sa Kanya!

Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.