• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 23, 2025

Makasalanan ka man, mahal ka ni Lord. đź’—

Publication date Ago 23, 2025

Ito siguro ang isa sa pinakamabigat na pag-uusapan natin in our series this week, “Mga Piniling Alagad ni Jesus.” Dahil… pag-usapan natin ang pagpili Niya kay Judas.

Kung lumaki ka dito sa Pilipinas, malamang pamilyar ka sa kwento ni Judas—ang alagad na nagtaksil kay Jesus at isinuko Siya sa mga awtoridad. In fact, let’s take a look at how the Bible describes him from the very beginning, in the list of the twelve disciples’ names:

Judas na anak ng isa pang Santiago, at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Hesus. (Luke 6:12-16)

Narito pa ang ibang paglalarawan kay Judas, noong binasag ng babae ang kanyang pabango bilang regalo kay Jesus:

Ang isa sa mga alagad ni Hesus na naroon ay si Judas Iscariote na magkakanulo sa kanya. Sinabi ni Judas, “Isang taóng sahod ang halaga ng pabangong iyan. Bakit hindi na lang iyan ipinagbili, at ibinigay sa mahihirap ang pera?” Sinabi niya ito, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga mahihirap kundi dahil isa siyang magnanakaw. Bilang tagapag-ingat ng pera nila, madalas niya itong kinukupitan (Juan 12:4-6 ASD)

At dahil alam nating alam ni Jesus ang lahat na mangyayari, how do we reconcile this with the idea that Jesus still chose Judas to be one of the twelve disciples?

Could it be that it’s a picture of how Jesus’ grace extends both to the repentant and the unrepentant? Dahil sa huli, kahit gaano kalaki ang pagmamahal na ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga alagad—pati na kay Judas—nagawa pa rin nitong magtraydor sa Kanya. Ngunit kailanman ay hindi nagbago ang pagmamahal ng Panginoon sa kanya.

Baka ito rin ang kailangan mong malaman ngayon: na kailanman ay hindi magbabago ang pagmamahal ni Jesus para sa iyo.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.