Makakaranas talaga tayo ng challenges!😩

Friend, anu-ano ba ang mga challenges na pinagdadaanan mo ngayon? With that, you might think that our subject line today sounds discouraging. Sino ba naman ang may gustong pagsabihan na talagang makakaranas tayo ng kahirapan? Hindi ba’t mas gugustuhin nating makarinig na mawawala na ang mga hirap natin sa buhay?
Kami rin, ayaw din naming makaranas ng paghihirap. Kapag may kahirapan, parang ang isip natin ay puno ng alalahanin kung paano makaahon dito. Naghahanap tayo ng solusyon, at tama naman ito. Hindi naman ibig-sabihin na kapag may paghihirap, we will just let it overwhelm us.
Of course, we will do everything to overcome these challenges. But the difference is, sa pagsunod natin kay Jesus, kahit na may paghihirap sa mundo, maaari tayong magkaroon ng kapayapaan—isang kapayapaang hindi basta-basta makukuha ng mga tao sa mundo. Basahin natin itong nakasulat sa Bible:
Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.” (Juan 16:33 ASND)
Bilang mga dayuhan sa mundong ito, kailangan nating malaman na talagang darating ang mga challenges and trials as we go along our journey. Pero tandaan din nating ang mga ito ay magagamit ng Panginoon sa pagpapalago ng ating pananampalataya. At this is also a way for our characters to grow strong and solid in Him. Isa itong mahalagang paraan upang mabigyan tayo ng strength to endure trials and difficulties.
Friend, pwede mong i- pray ito, “Lord, salamat at binibigyan Mo ako ng kapayapaan sa dinadaanang paghihirap. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

